Friday, January 07, 2011

Wala na si Ebe Dancel sa Sugarfree

isa sa mga paborito kong banda ang sugarfree... pero kanina lang nabasa ko sa facebook profile ni ebe dancel na iiwan na niya ang banda..



nakakalungkot kasi iba pa din ang dating ng "sugarfree" as a band.

pero malamang na naka-impluwensiya sa kanya si rico blanco na umalis din sa kanyang banda na rivermaya at nag solo. magkasama kasi sila sa isang music workshop sa bicol. nalungkot din ako noong umails si rico blanco sa rivermaya kasi akala ko hindi na siya gagawa ng kanta, pero nung lumabas ang "Your Universe".... the best of Rico Blanco yet!

kaya sigurado na mawala man si Ebe Dancel sa Sugarfree, sigurado na the Best din ni Ebe ang mapapakinggan natin sa ilalabas niyang solo album..

pansamantala, sugarfree playlist muna ako.

"Its been a great ride" - ebe dancel



web_banner_funshots

Monday, December 20, 2010

2011 Official Holidays



ilang araw na lang pasko na. kahit ang website ng gobyerno ay may christmas lights pa! karaniwan na excited na ang lahat pag pasok ng disyembre dahil eto na ang buwan na mahaba ang bakasyon!

tamang-tama naman na inilabas na ng palasyo ang Proclamation No. 84, na nagtatakda ng mga official holidays para sa susunod na taon.

narito ang mga petsa:

A. Regular Holidays

New Year’s Day – January 1 (Saturday)

Araw ng Kagitingan – April 9 (Saturday)

Maundy Thursday – April 21

Good Friday – April 22

Labor Day – May 1 (Sunday)

Independence Day – June 12 (Sunday)

National Heroes Day – August 29 (Last Monday of August)

Bonifacio Day – November 30 (Wednesday)

Christmas Day – December 25 (Sunday)

Rizal Day – December 30 (Friday)

B. Special (Non-Working) Days

Ninoy Aquino Day – August 21 (Sunday)

All Saints Day – November 1 (Tuesday)

Last Day of the Year – December 31 (Saturday)

C. Special Holiday (for all schools)

EDSA Revolution Anniversary – February 25 (Friday)

maaring mabasa ang buong proklamasyon dito

saan kaya makapunta? hmmm..

web_banner_funshots

Friday, December 17, 2010

Bagong Salapi




image source: propinoy.net

Pasimula ngayong linggong ito, unti-unti nang mapapalitan ang mga papel na pera natin!

2009 nang ipahayag ng Bangko Sentral ang planong palitan ang mga disenyo sa ating papel na pera. At sa 2012 naman ay susunod ang pagpapalit sa mga barya.

Moderno ang bagong disenyo at masasabi nating nakikipag-sabayan sa "international look" dahil sa mga font na ginamit at security features.

Ang dating namumuting buhok na si Manuel Quezon sa 20 pesos ay bumata, pati si Sergio OsmeƱa (P50) at Manuel Roxas (P100).

Magkasama na din sa wakas si Ninoy at Cory na nakangiti sa P500 at hindi na naka salungbaba si Ninoy.

Tinampok din sa likod ng mga bills ang mga Tourist Spots sa Pilipinas tulad ng Banaue Rice Terraces(P20), Taal Volcano (P50), Mayon Volcano (P100), Bohol Chocolate Hills (P200), Subterranean Underground River sa Puerto Princesa, Palawan (P500), at Tubbataha Reefs Natural Park sa Sulu Sea(P1000).

Pero alam niyo ba na matagal nang merong mga Commemorative Banknotes tulad ng P2000


Pansinin ang serial number JE (Joseph Estrada) ang simula.. pero parang JEJEMON din

at P100,000


wag niyo lang ibabayad itong P100,000 sa jeep kasi sigurado, magagalit ang driver.

"barya lang po sa umaga"

naalala ko tuloy yung kanta ng the youth noong 90's

"Bakit ang pera may mukha
bakit ang mukha walang pera"

- the youth


web_banner_funshots

Monday, April 05, 2010

Monday, January 04, 2010

OL (Over Looking)



taong 1993
ng kami ay lumisan
sa lunsod ng sampaloc
sa ka-maynilaan

lumipat kami
malayo sa bayan
malapit sa antipolo
sa paanan ng kabundukan

ako'y may nakilala
mga bagong kaibigan
agad na niyaya
sa mga pasyalan

OL daw punta namin
OL? Anong ibig sabihin?

dinako nag tanong
nagpanggap na marunong
hanggang marating namin
nakagugulat na tanawin

buong maynila
sa isang tingin
akala mo ay payapa
at nag niningning

parang walang polusyon
walang trapik
walang mandurukot
walang adik

kaya kung gusto mong makalimot
at ayaw mong ma-praning
sakay na sa kotse
at mag over-looking

Tuesday, December 08, 2009

Aling Sonia

kung maliligaw kayo sa tagaytay
at gusto niyong maiba naman ang inyong buhay.
kahit maraming pwedeng puntahan
ang sonias garden wag kalimutan

pag pasok mo pa lang iyong makikita
tila paraiso, napakaganda
napakaraming bulaklak at halaman
sariwang hangin, masarap na pananghalian

wag mo lamang kalilimutan
na bumili sa kanilang mga tindahan.
dahil kung ikay namamasyal lamang
wag pahuhuli baka ikay pagtabuyan

at kung ikaw naman ay kakain,
masarap na gulay laging nakahain
masustansiyang pagkain na may kamahalan
sulit naman kung ikaw ay mayaman.

Friday, July 31, 2009

Tsinelas

Mang kulas Pabili nga ng tsinelas Pudpod nat gasgas Baka mapigtas tong luma kong tsinelas - Yano

javascript:void(0)